Ibinahagi ni 2Lt Christopher Erasmus L Fredeluces PAF ang kaniyang naging karanasan sa piniling larangan noong ika 30 ng Oktubre 2022.
Bagong gradweyt si 2Lt Fredeluces na kasapi ng PMA Bagsik-Diwa Class 2022 at itinalagang Assistant Commandant ng 735th at 736th DAST at Operations Officer ng 7th Air Reserve Center sa Davao City.
Pagkatapos ng talakayan ni Tsg Junvie A Elondo PAF ay sumunod naman si 2LT Fredeluces na nagbigay ng inspirasyonal na mensahe sa mga kadete. “The more we know, the more we know we don’t know. Kasama sa mga bagay na natututunan natin ang mga bagay na hindi natin alam. Kaya kapag naramdaman na natin na alam na natin lahat, dapat mas magsumikap pa tayong matuto. Always be open to learning new things.” saad ni 2LT Fredeluces.
“Humble yourself, the most important trait of being a public servant is humility. We are servant leaders, at dapat gampanan natin ang mga tungkulin natin.”
“Huwag sumuko at tatagan pa kalooban upang mapagtagumpayan ang minimithing mga pangarap”, dagdag pa niya.
Umuwi ang mga kadete na baon ang mga salita at katagang nagbigay alab sa kanilang mga puso at galak sa mga bagong aral na natutunan nila sa kanilang ika-siyam na linggo sa ROTC.
✍️ Sgt Mark Julius S Villa, PAFR/ C/LtCol Zeianne Denisse Gallego,1CL
📸 Sgt Villa, PAFR

Post a Comment